Sa abiso ng Manila District Traffic Enforcement Unit isasara ang sumusunod na lansangan mula alas 6:00 ng umaga para sa gagawing flag raising at wreath-laying ceremonies:
- Northbound at southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang TM Kalaw Avenue
- Kahabaan ng Katigbak Drive, Independence Road at South Drive
Ayon sa MDTEU ang mga motoristang apektado sa pagsasara ng nabanggit ng mga lansangan ay maaring gamitin ang sumusunod na ruta:
- para sa mga light vehicles na patungong south, kumaliwa sa P. Burgos, kanan sa Ma. Orosa, at kanan sa TM Kalaw
- ang mga truck at trailer truck na patungong south, kaliwa sa P. Burgos at kanan sa Finance Road
- para sa mga light vehicles na pa-northbound, kanan sa TM Kalaw, kaliwa sa Ma. Orosa, kaliwa sa P. Burgos
- ang mga truck at trailer truck na pa-northbound kanan sa President Quirino Avenue
Samantala, mula alas 9:00 ng umaga sarado naman ang sumusunod na kalsada para sa military-civic parade:
- Southbound lane ng Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang Katigbak Drive
- kahabaan ng Katigbak Drive, Independence Road at South Drive
Ang mga maaapektuhang motorista ay maaring gamitin ang sumusunod na ruta:
- para sa mga light vehicles na pa-southbound, gamitin ang Anda Circle at kumanan sa Soriano Ave.
- ang mga truck na pa-southbound ay gamitin ang Anda Circle at lumabas sa Bonifacio Drive
- para sa mga sasakyang pa-northbound diretso ng Bonifacio Drive, at kumanan sa TM Kalaw Avenue.
Payo ng Manila Traffic kung wala namang importanteng lakad sa lugar ay iwasan muna ang nasabing mga lansangan bukas.