Ayon sa naturang ulat 67 milyon sa 104 milyong Filipino o 63 porsyento ng kabuuang populasyon ay social media savvy at gumagamit ng internet sa kabila ng mabagal nitong speed.
Umakyat ng tatlo ang pwesto ng Pilipinas mula sa ika-15 noong nakaraang taon.
Samantala, nangunguna naman sa listahan ang China na may 772 milyong gumagamit ng internet sa mahigit isang bilyon nitong mamamayan; pumangalawa ang India na may 462 million users din sa higit isang bilyon ding populasyon; at ikatlo naman United States na may 312 million users.
Nakabase ang datos ng Internet World Stats sa mga ulat ng International Telecommunications Union at Facebook Incorporated sa kada bansa.