Commander ng PCP sa Pasay City sinibak ng NCRPO

Agad sinibak sa pwesto ang isang commander ng Police Community Precinct Office sa Pasay City makaraang hindi ito madatnan sa opisina ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar.

Magdamag na nag-ikot si Eleazar sa Metro Manila para magsagawa ng sorpresang pagbisita sa mga istasyon ng pulisya.

Isa sa mga pinuntahan ni Eleazar ang PCP sa CCP Complex sa Pasay City.

Pero nang pasukin ito wala sa loob ng opisina ang PCP commander na si Police Major Allan Estrada.

Ilang beses pang tinawagan ang opisyal pero hindi sumagot sa telepono.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...