Residential area sa QC tinupok ng apoy

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Barangay Loyola Heights sa Quezon City.

Pasado alas 4:00 ng umaga nang itaas sa 2nd alarm ang sunog sa bahagi ng P. Gonzales Extension.

Ayon sa mga residente sa lugar bahay ng presidente ng Homeowners Association na si Atty. Saviano Perez ang nasunog.

Ilang araw na anilang walang taon sa bahay.

Aalas 5:25 ng umaga nang ideklarang fire out na ang sunog.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...