Nasawi ang 15 mga hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos magpang-abot ang grupo at pwersa ng militar sa Liguasan Marsh sa Maguindanao.
Ayon kay Brigadier General Cirilito Sobejana ng Joint Task Force Sulu, nasa lugar ang mga militar upang hanapin ang pasilidad kung saan gumagawa ang BIFF ng mga bomba.
Ani Sobejana, bukod sa ground troops ay nagpakalat rin sila ng mga militar sa ere dahil sa pwersa ng BIFF sa lugar.
Bukod sa mga nasawi ay nasugatan sa engkwentro walong mga miyembro ng BIFF, habang naaresto naman ang dalawang iba pa.
Pagtitiyak naman ni Captain Arvin Encinas ng 6th Infantry Division, hindi dapat mabahala ang mga residente sa mga bayan ng Pagalungan, General Salipada K. Pendatun, at Sultan sa Barongis dahil ang inilunsad na operasyon ay malayo sa residential area.
Aniya pa, maayos ang pagkakaplano ng operasyon.