Mga pulis-Mandaluyong sumailalim sa surprise drug testing

Eastern Police District

Cleared ang mga elemento ng Mandaluyong Police mula sa iligal na droga.

Ito ang lumabas sa isinagawang surprise drug test ng first shift personnel ng PCP 3 sa Base Mayflower Street sa Greenfield District sa pangunguna ni Police Senior Inspector Villarta ng Mandaluyong City Police.

Linggo ng umaga nang magsagawa ng sorpresang drug testing ang mga pulis, bilang pagtugon sa internal cleansing program ng Philippine National Police (PNP).

Lumabas sa resulta ng isinagawang drug test na negatibo ang 17 mga pulis mula sa methamphetamine o mas kilala sa tawag na shabu at sa marijuana.

Read more...