Ilang oras matapos lumapag ang eroplanong sinasakyan ni North Korean leader Kim Jong Un sa Changi Airport sa Singapore ay dumating na rin sa naturang bansa si US President Donald Trump.
Ang pagpunta sa Singapore ni Trump ay ilang araw lamang bago maganap ang makasaysayang summit sa pagitan ng dalawang mga lider na layuning ma-denuclearize ang North Korea.
Sinakyan ni Trump ang Air Force One at sinalubong siya sa paliparan ni Singaporean Foreign Minister Vivian Balakrishnan.
Kasama ni Trump ang ilang mga opisyal ng Estados Unidos kabilang sina Secretary of State Mike Pompeo, National Security Adviser John Bolton, White House Chief of Staff John Kelly, at White House Press Secretary Sarah Sanders.
MOST READ
LATEST STORIES