Pari patay sa pamamaril sa Nueva Ecija

Hindi na nakapagdaos ng misa ang isang pari sa Barangay Mayamot, Zaragoza, Nueva Ecija.

Ito ay matapos pagb abarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin si Father Richmond D. Nilo, 40 taong gulang, at parish priest ng Zaragoza.

Batay sa paunang impormasyon mula kay Region 3 Police Director Chief Superintendent Amador Corpus, bandang alas-6:05 ng hapon nang habang nasa likod ng altar si Father Nilo ay apat na beses siyang binaril ng mga suspek mula sa labas ng bintana.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pamamaril, partikular ang motibo sa pamamaslang at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Read more...