Magkasunod na lindol, naitala sa Southern Leyte

Tumama ang magnitude 3.6 na lindol ang Southern Leyte, Linggo ng hapon.

Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa 8 kilometers South ng Hinunangan dakong 12:41 ng hapon.

May lalim ang lindol na 1 kilometero at tectonic ang dahilan.

Naitala ang Intensity III sa Hinunangan, Hinundayan, at Anahawan sa Southern Leyte.

Intensity II naman ang naitala sa San Francisco, Southern Leyte.

Una nang niyanig ang kaparehong lugar na may lakas na magnitude 3 na lindol dakong 10:48 ng umaga.

Kapwa wala namang inaasahang pinsala o aftershocks matapos ang dalawang pagyanig.

Read more...