Pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon asahan dahil sa habagat

Patuloy na naaapektuhan ng umiiral na hanging habagat ang ilang bahagi ng Luzon.

Kaya naman sa huling abiso ng PAGASA ay inaabisuhan ang mga residente sa lalawigan ng Cavite, Bataan, Batangas, at Laguna na mag-ingat dahil nakataas ang yellow rainfall warning sa mga nabanggit na probinsya.

Ayon sa weather bureau, asahan ang mga pagbaha sa mga mabababang lugar.

Samantala, makakaapekto naman ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa buong Metro Manila, at probinsya ng Rizal at Quezon sa loob ng tatlong oras.

Posible ring makaranas ng mahinang pag-ulan sa Zambales, Tarlac, Bulacan, Nueva Ecija, at Pampanga.

Read more...