Pagbabawal na magpatrolya ang mga sundalo sa WPS, imposible – Palasyo

Inquirer file photo

Imposible.

Ito ang mariing pahayag ng Palasyo ng Malakanyang sa ulat na pinagbawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpatrolya sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, malabo ang alegasyon ni Magdalo Representative Gary Alejano na pagbawalan ang mga sundalo na magbantay sa West Philippine Sea.

Una rito, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na malamang na kuryenteng balita ang nakuhang impormasyon ni Alejano.

Read more...