Tumama ang magnitude 3.6 na lindol ang Southern Leyte, Linggo ng hapon.
Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa 8 kilometers South ng Hinunangan dakong 12:41 ng hapon.
May lalim ang lindol na 7 kilometers at tectonic ang dahilan.
Una nang niyanig ang kaparehong lugar na may lakas na magnitude 3 na lindol dakong 10:48 ng umaga.
Kapwa wala namang inaasahang pinsala o aftershocks matapos ang dalawang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES