4 na kalsada, 1 tulay hindi na madaanan ayon sa NDRRMC

lando_15101706

Apat na pangunahing highway at isang tulay ang hindi na madaanan dahil sa flash flood at mga pag-guho ng lupa.

Ayon sa impormasyong natanggap ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, hindi na madaanan ang Apayao, Claberia road dahil sa landslide.

May pag-guho din ng lupa sa bahagi ng Benguet Nueva Viscaya Road gayundin sa Quirino-Aurora boundary. May flash flood naman sa Aurora-Baler-Casiguran Road gayundin sa Catanduanes Circumferential Road.

Ang NDRRMC ay magbibigay ng update sa kalagayan sa iba’t ibang lalawigan mamayang alas ocho ng umaga.

Read more...