Ayon kay PAGASA weather forecaster Samuel Duran, bumagal ang galaw ng bagyo na may lakas na 175kph na may pagbugso na nasa 210kph.
Halos gumagapang ang bagyong Lando sa bahagi ng Aurora sa mabagal na pag-usad na nasa tatlong kilometro lamang kada oras.
Nakataas naman ang signal No. 3 sa lalawigan ng Isabela, Quirino, Nueva Viszaya, Nueva Evija, Ifugao at Northern Quezon kasama na ang Polilo Islands.
Naglabas na rin ng Orange Rainfall Warning ang PAGASA sa mga lugar na nasa ilalim ng signal No. 3.
Signal No. 2 naman ang nakataas sa mga lalawigan ng Cagayan, kasama ang ilang bahagi ng Calayan at Babuyan group of islands, Benguet, Mt, Province, Kalinga at Apayao, Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal at Metro Manila gayundin ang iba pang bahagi ng lalawigan ng Quezon.
Magtatagal sa kalupaan ng Pilipinas ang super typhoon Lando at inaasahang sa Huwebes pa ng umaga ang paglabas nito sa bahagi ng Cagayan.
Bago pa mag-landfall ay nakapag pagtupad na ng forced evacuation sa mga lalawigan ng Aurora, Isabela, Nueva Viscaya at Cagayan.