Bagyong Domeng, nakalabas na ng PAR

Credit: PAGASA

Tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong ‘Domeng’ ngayong umaga.

Pero sa kabila nito, sinabi ni PAGASA weather specialist Nikos Peñaranda na patuloy pa ring makakaranas ng mga pag-ulan ang western section ng Central at Southern Luzon dahil pinalalakas ng bagyo ang hanging habagat.

Dahil dito, asahan aniya ang masungit na panahon sa Northern Palawan, Mindoro, Cavite, Batangas, Metro Manila, Zambales, Bataan, Pampanga, Tarlac, La Union at Ilocos Provinces.

Sa pinakabgong weather bulletin ng PAGASA, ang lokasyon ng Bagyong ‘Domeng’ ay huling namataan 9:00 ng umaga sa layong 1,045 kilometers East Northeast ng Basco, Batanes.

Lalo pang lumakas ang bagyo na isa ng typhoon category taglay ang lakas ng hangin na 120 kilometers per hour (kph), pagbugsong 145 kph at kumikilos sa direksyong Northeast sa bilis na 37 kph.

Read more...