Itinaas ang red rainfall warning sa Cavite dahil sa patuloy na nararanasang malakas na pag-ulan na dulot ng Bagyong Domeng.
Sa abiso ng PAGASA, posibleng magdulot ang pag-ulan ng serious flooding sa mga madalas bahaing lugar.
Yellow warning level naman ang itinaas sa Tarlac, Batangas at Laguna kung saan inaasahan ang pagbaha sa mga mababang lugar ng lungsod.
Samantala, mararanasan pa rin ang mahina hanggang sa katamtamang buhos ng ulan na kung minsan ay may malakas na pag-ulan sa Metro Manila, Rizal, Zambales, Bataan, Nueva Ecija, Bulacan at Pampanga sa loob ng tatlong oras.
Mahina rin hanggang sa katamtamang ulan ang iiral sa Quezon sa susunod na tatlong oras.
MOST READ
LATEST STORIES