Humupa na ang baha sa ilang lugar sa Kalakhang Maynila.
Sa pag-iikot ng Radyo Inquirer, bumaba na ang baha sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension partikular mula Doroteo Jose hanggang R. Papa.
Wala na ring baha sa Padre Burgos na kagabi ay halos ga-tuhod ang tubig.
Passable na rin ang España sa Maynila, maging ang mga binahang lansangan sa Sto. Domingo at E. Rodriguez Avenue sa Quezon City at San Juan, Mandaluyong at Makati.
Ayon kay Bong Nebrija, ang supervising officer for operations ng MMDA, bagama’t humupa na ang mga baha ay patuloy ang kanilang monitoring lalo’t may mga nararanasang pag-ulan pa rin sa mayorya ng mga lugar sa Metro Manila.
Sa kabila naman ng paghupa ng mga baha, kapansin pansin ang napakarami kalat sa mga kalsada.
Sa Baywalk, Roxas Boulevard, tambak ng basura na inanod sa dalampasigan.
Inaasahang aatupagin din ng MMDA ang pangongolekta ng mga basura pero apela ng ahensya sa mga mamamayan, magkusa na sa paglilinis.
Malakas na ulan, nararanasan sa ilang parte ng lungsod ng Maynila. @dzIQ990 pic.twitter.com/1ERFfY0XuC
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) June 9, 2018
Zero visibility na sa bahagi ng Rizal Ave. Extension, dahil sa napakalakas na ulan. @dzIQ990 pic.twitter.com/L3U6B7BAox
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) June 10, 2018