10 katao, arestado sa anti-drug ops sa Muntinlupa

Inquirer file photo

Timbog ang sampung katao sa isinagawang anti-drugs operations sa bahagi ng PNR site sa Muntinlupa City, Sabado ng gabi.

Ayon kay Sr. Supt. Dionicio Bartolome, walo sa mga suspek ay naaktuhang gumagamit ng ilegal na droga habang ang dalawa naman ay naaresto sa buy-bust operations sa bahagi ng Barangay Bayanan.

Nahuli ang isang high-value target na si Cherry Algano.

Giit ng suspek, matagal na siyang sumuko sa Oplan Tokhang ng Philippine National Polie (PNP).

Samantala, narekober naman sa mga suspek ang sampung pakete ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia.

Read more...