3 lalaki, patay sa buy-bust ops sa QC

Inquirer file photo

Patay ang tatlong lalaki matapos makipagpalitan umano ng putok ng baril sa mga pulis sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director CSupt. Joselito Esquivel, nauwi sa engkwentro nang magkasa ng buy-bust operation ang pulisya sa bahagi ng Barangay Pansol, Sabado ng gab.

Kinilala naman ang mga namatay na si Jayson Umali habang ang dalawa pa ay sina alyas “Nhing” at “Badjok.”

Narekober sa mga nasawi ang tatlong baril, ilang pakete ng hinihinalang shabu at marijuana.

Read more...