Tinutulan ng tatlong senador na sina Minority Leader Franklin Drilon, Senador Aquilino Pimentel III at Senadora Grace Poe ang hiling ni Justice Secretary Menardo Guevarra na bigyan ng armas ang mga abogado ng gobyerno.
Paliwanag ni Drilon, hindi solusyon ang pagpopondo sa mga armas kasunod ng mga nangyayaring pagpatay sa ilang abogado ng pamahalaan.
Hindi rin aniya ito kabilang sa national budget ng bansa ngayong taon.
Aniya pa, mandato ng Philippine National Police (PNP) ang mapanatiling payapa at ligtas ang mga Pilipino sa bansa.
Giit naman ni Senador Aquilino Pimentel III, dapat paigtingin ng PNP ang kanilang detectives para sa mas maayos na pagresolba ng mga kaso.
Sinabi pa ni Drilon na ang pagiging armado ng ilang opisyal ng gobyerno ay hindi rin sagot para mabawasan ang kriminalidad sa bansa.