Lebel ng tubig sa Marikina river, nananatiling normal

Minomonitor pa rin ang lebel ng tubig sa Marikina River kasabay ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan bunsod ng Bagyong Domeng.

Bago mag-6:00 ng umaga ngayong araw ng Linggo, nasa normal range pa rin ang tubig sa Marikina river.

Sa oras na umabot ito sa 15 meters, idedeklara ang 1st alarm.

Para sa latest na sitwasyon ng Marikina river, maaaring i-check ang live feed ng CCTV ng lokal na pamahalaan ng Marikina sa kanilang website o sa kanilang Facebook page.

Tuwing may malakas na ulan, binabantayan ang sitwasyon sa Marikina river dahil kapag lumagpas ito sa 15 meters ay karaniwang nangangamba ang mga residente sa malawakang pagbaha at paglilikas.

Read more...