3 katao, patay sa missile attack sa Saudi Arabia

AP photo

Patay ang tatlong sibilyan matapos ang maganap ang missile attack sa Jazan province, Saudi Arabia.

Batay sa ulat, ang rebeldeng grupong Houthi mula sa Yemen ang nasa likod ng pag-atake.

Ang pag-atake ay bahagi ng tatlong taong giyera sa pagitan ng Saudi Arabia at Yemen nang manghimasok ang Saudi Arabia sa pagpapabalik kay Abd-Rabbu Mansour Hadi sa pagiging pangulo ng Yemen.

Sinabi naman ng Saudi-led military coalition na magkakasa ng operasyon laban sa sinumang magdudulot ng panganib sa mga Saudi nationals.

Noong nakaraang buwan, matatandaang nagpakawala rin ng ballistic missiles ang grupo sa Riyadh.

Sa ngayon, aabot na sa higit 10,000 katao ang napatay mula nang sumiklab ang hidwaan noong March 2015.

Read more...