NPA member, huli sa Zamboanga del Sur

Inquirer file photo

Nahuli ng mga tropa ng pamahalaan ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa kasagsagan ng engkwentro sa Midsalip, Zamboanga del Sur.

Ayon sa tagapagsalita ng 1st Infantry Division na si Maj. Ronald Suscano, nakilala ang rebelde na si Jeery Macabinta.

Aniya, nagsasagawa ng combat patrol ang 53rd Infantry Battalion nang maganap ang sagupaan kontra sa mga miyembro ng Section Committee Kara ng NPA sa bahagi ng Sitio Pisio, Barangay Balonai bandang 11:00, Sabado ng umaga.

Wala naman aniyang nasugatan sa hanay ng mga sundalo.

Samantala, sinabi ni Suscano na nakatakas ang iba pang rebelde habang nakuha kay Macabinta ang isang caliber .4 pistol.

Read more...