Kauna-unahang Subic Bay International Film Fest, inilunsad

Inilunsad ng mga mamamahayag na sina Vic Vizcoho Jr. at Arlyn Dela Cruz-Bernal ang kauna-unahang Subic Bay International Film Festival (SBIFF) sa Subic Bay Freeport Zone.

Ayon kay Derrick Manuel, General Manager ng Harbor Point Ayala Mall, maraming beses ng tinangkang maglunsad ng isang film festival ngunit sa ikalimang pagkakataon lamang ito nagkaroon ng katuparan na ngayon ay inilunsad na nga bilang Subic Bay International Film Festival.

Sa loob ng anim na buwan, nagtulungan ang parehong mamamahayag na sina Vic at Arlyn para maging posible ang naturang film fest.

Paliwanag ni Arlyn, ito ay nagsisilbing pagkakataon para makatulong sila sa pagpapaunlad ng Subic Bay sa pamamagitan ng ganitong uri ng gawain o atraksyon.

Si Dela Cruz ay isang film director at producer na nakagawa na ng pitong pelikula.

Ayon naman kay Vic, layon din ng film fest na mabigyan ng oportunidad ang mga local at international filmmaker para ipamalas ang kanilang talento at istorya.

Walong kategorya ang bibigyan ng parangal at ito ay ang mga sumusunod:

– Balatkayo,

– Bhoy Instik,

– Rolyo,

– Isang Hakbang,

– Old Skool at,

– Ang Araw sa Likod Mo.

Posible namang makatanggap ng parangal ang mga nabanggit na pelikula sa mga sumusunod na kategorya: – Best Picture

– Best Director,

– Best Actor,

– Best Actress,

– Best in Screenplay,

– Best in Cinematography,

– Best in Production Design at,

– Best in Music.

 

Samantala, kasabay ng paglulunsad ng SBIFF ang pagdating ng pinakamalaking cruise ship na MV World Dream sa Subic Bay kung saan karamihan sa mga turista ay mula sa China.

 

Si Arlyn at Vic ay nagkasama sa ABS-CBN noong dekada 90. Sila ay kapwa taga-Subic Bay, Olongapo City.

Read more...