Target ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na mailatag na ang “Free Internet Access Program” sa 10,000 lugar sa bansa bago matapos ang taon.
Tiniyak ni DICT acting Secretary Eliseo Rio Jr. na mabibigyan ng libreng Internet access ang lahat ng lalawigan sa bansa.
Ayon kay Rio, target ng kagawaran na makapagpakalat ng 200,000 access points pagdating ng 2022.
Mandato ito ng DICT sa ilalim ng Republic Act 10929 o ang Free Internet Access in Public Places Act.
Sakop nito ang mga pambansa at lokal na ahensya ng gobyerno, gaya ng mga paaralan, ospital, parke, libraries, mga paliparan at pantalan.
Inamin ng DICT na nagkaroon ng ilang mga problema kaya nabalam ang nasabing proyekto.
MOST READ
LATEST STORIES