Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs) ang pagyanig 19 kilometro sa Hilagang-Silangan ng lungsod ng Sipalay sa lalim na 19 kilometro.
Naganap ang lindol kaninang 11:06 ng umaga.
Naramdaman ang Intensity IV sa Sipalay, Intensity III sa Cauayan, Negros Occidental at Basay, Negros Occidental; at Intensity II sa Hinoba-an, Negros Occidental.
Naitala naman ang Instrumental Intensity V sa Sipalay City.
Wala namang naitalang pinsalang idinulot ang pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks ayon sa Philvocs.
MOST READ
LATEST STORIES