Kaninang alas-onse ng umaga ang bagyong Domeng ay namataan sa layong 565 kilometers Silangan Hilagang Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na 85 kilometers per hour at pagbugso na 105 KPH.
Mayroong maximum speed ang bagyo na 21 kilometers per hour ayon sa monitoring PAGASA.
Sinabi rin ng PAGASA na mas lalong pinalakas ng Tropical Storm na si Domeng ang hanging Habagat na siyang dahilan ngayon ng malakas na buhos ng ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Western Visayas.
Pinapayahuhan ng ang mga residenteng nakatira malapit sa mga landslide-prone areas na mag-ingat.
Inaasahan naman na magiging malalaki ang alon sa mga karagatan ng bansa dulot ng nasabing sama ng panahon.
Sinabi ng PAGASA na lalabas ng Philippine Area of Responsibility si Domeng bukas ng umaga.