Ilang lansangan sa Metro Manila lubog sa tubig baha

Photo: Den Macaranas

Dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan muling lumubog sa tubig baha ang ilang mga lansangan dito sa Metro Manila.

Ayon sa monitoring ng Metro Manila Development Authority (MMDA), nagsimula na namang tumaas ang tubig sa bahagi ng R.Papa street at Rizal Avenue extension sa boundary ng Maynila at Caloocan City.

Hanggang gutter naman ang tubig sa paligid ng Monumento circle sa kasalukuyan.

Dito sa Makati City, hanggang binti na rin ang tubig baha sa ilang bahagi ng Pasong Tamo avenue at Buendia dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Ang bahagi ng Pasong Tirad street ay hindi na passable para sa mga maliliit na sasakyan sa kasalukuyan.

May namomonitor na rin na pagbaha ang MMDA sa ilang bahagi ng Mc. Arthud Hiway sa Valenzuela City samantalang lubog rin sa baha ang ilang bahagi ng Taft Avenue sa Maynila.

Inaasahan naman na magiging maulan ang susunod na mga oras ayon sa weather bulletin na inilabas ng PAGASA.

Read more...