40 katao nailigtas sa lumubog na banca sa Dinagat Island

PCG photo

Umaabot sa 40 katao ang na-rescue ng Philippine Coast Guard makaraang lumubog ang sinasakyan nilang motor banca sa karagatang sakop ng Dinagat Island sa Surigao Del Norte.

Sa ulat na nakarating Philippice Coast Guard Headquarters sa Maynila, pawang mga pasahero at crew  ng “Danrey Express” ang nailigtas ng kanilang mga tauhan.

Wala namang naiulat na namatay o kaya ay nawawala mula sa mga pasahero ng nasabing motor banca.

Sa paunang imbestigasyon ng PCG, nabangga umano ng ilang mga palutang-lutang na kahoy ang Danrey Express na nagresulta sa pagtaob nito.

Kaugnay nito, pinayuhan ng PCG ang mga operator ng mga maliliit na sasakyang pandagat sa iba’t ibang panig ng bansa na magmonitor sa PAGASA kaugnay sa lagay ng panahon dulot ng bagyong Domeng.

Read more...