Baril para sa state prosecutors inihirit ng DOJ

Malacañang photo

Personal na hihilingin ni Justice Sec. Menardo Guevarra kay Pangulong Rodrigo Duterte na ikunsidera ang paglalaan ng pondo para armasan ang mga abogado ng pamahalaan.

“I will check if (the funding) is already in the current appropriation. If not, I’ll request for it in the next budget,” ayon kay Guevarra.

Pinasalamatan rin ni Guevarra si Philippine National Police Chief Oscar Albayalde na nangakong bibilisan ang pagsasa-ayos sa mga lisenya ng baril para sa mga state prosecutor.

Nauna na ring sinabi ng justice secretary na hindi na niya hahayaan na madagdagan pa ang bilang ng mga abogado ng gobyerno na biktima ng karahasan.

Ipinamamadali naman ng Prosecutor’s League of the Philippines sa kongreso ang pagpasa sa hazard pay bill at survivorship bill dahil sa tindi ng mga banta sa kanilang buhay.

Aminado rin ang Integrated Bar of the Philippines na may chilling effects sa pagpapatupad ng tungkulin ng mga government lawyer ang sunud-sunod na pagpatay sa kanilang hanay.

Read more...