Inaunsyo ni Prieto ang pagreretiro sa taunang stockholders meeting ng kumpanya.
Ayon kay Prieto sa edad na 78, panahon na para ilipat niya ang pamamahala sa kumpanya.
Nais umano niyang magkaroon na ng mas mahabang oras sa pamilya lalo na sa knaiyang mga apo at pagtuunan din ng pansin ang iba pang adbokasiya, charity organizations at foundations.
Sa ilalim ng pamamahala ni Prieto, mula sa print organization ay lumago ang Inquirer bilang multimedia entity.
“I unassumingly joined the Inquirer in the late 80s and it never crossed my mind that would be No. 1 and diversify into different media platforms,” ani Prieto.
Maliban sa Philippine Daily Inquirer, lumawak ang kumpanya sa iba’t ibang platforms gaya ng Inquirer.net, Cebu Daily News, Bandera, Inquirer Libre, Megamobile, Radyo Inquirer, Hinge Inquirer Publications, Print Town, DAG Express Courier at Inqurier Academy.
Mananatili namang presidente at CEO ng kumpanya si Ma. Alexandra Prieto-Romualdez.
Habang nahalal naman si Raul Palabrica bilang bagong chirman ng kumpanya.
Si Palabrica na isang abogado at nagtapos sa University of the Philippines ay leal counsel ng Inquirer.
Naging commissioner din siya ng Securities and Exchange Commission mula 2005 hanggang 2012.