Celebrity chef Anthony Bourdain pumanaw na matapos mag-suicide

Kinumpirma ng CNN na nagpakamatay ang 61 anyos na celebrity chef na si Anthony Bourdain.

Nasa France si Bourdain para sa shooting ng episode ng kaniyang award-winning series sa CNN na “Parts Unknown” nang matagpuan siyang walang buhay sa kaniyang hotel room.

Noong 2013, kinilala ng Peabody Award judges si Bourdain at ang programang “Parts Unknown”.

Bago maging media sensation, nagtarbaho siya bilang Chef sa New York.

Nang maglabas siya ng libro doon na nagbukas ang oportunidad kay Bourdain para pasukin ang larangan ng media.

Nag-host siya ng “Cook’s Tour” show sa Food Networl, “No Reservations” para sa Travel Channel at sa CNN nga ang huli.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...