WATCH: P120M na halaga ng shabu nasabat ng BOC sa Clark Airport

Kuha ni Jan Escosio

Aabot sa P120 million na halaga ng shabu ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Clark International Airport sa Pampanga.

Tumitimbang ng 17.7 kilograms ang shabu na galing ng California.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, naka-consigne ang mga kargamento sa kina Christian Frias, Robert Nazareno at Dominic Gallardo na pawang residente ng Quezon City.

Habang ang isa pang consignee ay isang Gina Fernandez na residente naman ng Taguig.

Itinurn over naman ng Customs sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nasabat na ilegal na droga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...