Nakumpleto na ang pagsasaayos sa runway ng Tagbilaran Airport matapos mapinsala dahil naranasang patuloy na pag-ulan.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) matapos na ang isinagawang preventive maintenance, repair, at patching works sa Tagbilaran Airport runway na inumpisahan Huwebes ng gabi.
Nasira ang runway dahil sa tuloy-tuloy na naranasang pag-ulan sa lugar na nagdulot ng lubak at crack.
Nagresulta ito sa pagpapalabas ng notice to airmen ng CAAP at inabisuhan ang mga piloto sa pagsasaayos sa runway.
Ang Tagbilaran Airport ay nakatakda naman nang palitan ng Bohol-Panglao International Airport sa Panglao sa sandaling matapos na ang konstruksyon nito sa August 2018.
MOST READ
LATEST STORIES