Sa rainfall advisory ng PAGASA alas 5:00 ng hapon, yellow rainfall warning ang umiiral sa nasabing lalawigan.
Ito ay dahil sa nararanasang patuloy at malakas na buhos ng ulan doon dahil sa Habagat na pinalalakas ng tropical storm Domeng.
Babala ng PAGASA sa mga residente sa Bataan, maging alerto sa posibleng pagbaha.
Pinayuhan din ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa mga susunod na abiso na ilalabas ng weather bureau.
READ NEXT
Tropical Storm Domeng bumilis pa; lalakas pa at magiging tropical storm sa paglabas ng bansa
MOST READ
LATEST STORIES