Tropical Storm Domeng bumilis pa; lalakas pa at magiging tropical storm sa paglabas ng bansa

Bumilis pa ang kilos ng Tropical Storm Domeng habang nananatili pa rin sa karagatan ng bansa.

Ayon kay PAGASA Weather Specialist Nicos Peñaranda, huling namataan ang bagyo sa 560 kilometers East ng Aparri Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa
80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 19 kilometers bawat oras sa direksyong North Northeast.

Sa paglabas ng bansa ng bagyong Domeng sa Linggo ay maaring lumakas pa ito at maging isang severe tropical storm.

Samantala, ang Tropical Storm Erwiniar naman na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility ay tumama sa kalupaan ng Southern China.

Wala namang bantasa bansa ang nasabing bagyo sa susunod na mga araw.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...