Pagbasa ng sakdal kay Wally Sombero ipinagpaliban ng Sandiganbayan

INQUIRER FILE PHOTO

Ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang arraignment sa retiradong police official na si Wally Sombero sa kinakaharao nitong kaso kaugnay sa P50-million bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI).

Sa halip itinakda na lang ng sixth division ng anti-graft court ang pagbasa ng sakdal kay Sombero sa June 29 ala 1:30 ng hapon habang nakabinbin pa ang kaniyang motion to quash information.

Nagkataon din kasing hindi makakadalo ang panig ng prosekusyon sa arraignment na nakatakda ngayong araw, Biyernes (June 8).

Dadalo kasi sila sa necrological services ng nasawing si Assistant Special Prosecutor Madonna Joy Ednaco-Tanyag sa St. Peter Chapels.

Si Sombero ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act, direct bribery, at paglabag sa Presidential Decree No. 46.

Ang mga kapwa niya akusado sa kaso na sina dating BI deputy commissioners Al Argosino at Michael Robles ay napasahan na ng sakdal at kapwa naghain ng not guilty plea noong May 25.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...