Mahigit 400 na call center agents na naaresto sa Pampanga dahil sa online scam, pinalaya na

Kuha ni Mark Makalalad

Pinalaya na ng Philippine National Police (PNP) ang 474Pinoy call center agents na naaresto ng Anti-Cybercrime Group sa Clark Freeport Zone, Pampanga matapos masangkot sa multi-million dollar online trading scam.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, released for further investigation na ang 474 habang nananatili naman nakakulong ang walong Israeli.

Non-bailable o walang pyansa kasi ang kaso na kinakaharap ng mga dayuhan na lumabag sa anti-cybercrime Law at syndicated estafa.

Nabatid na nag-set up ang mga dayuhan ng isang call center sa Pampang, at nagpanggap na isang London investment company na nang-engganyo ng mga dayuhan na mag-invest sa kanila.

Kahapon iprinisinta ni Albayalde sa camp Crame ang 8 Israeli, na inaresto ng ACG matapos na ireklamo ng mga dayuhang biktima.

Ayon pa kay Albayalde, iimbestigahan pa ng PNP kung aktibong sangkot sa illegal na operasyon ang mga Pinoy call center workers, o kung sila ay nagamit lang ng sindikato ng mga Israeli scammers.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...