Ayon kay Acting Chief Justice Antonio Carpio, maglalabas na sila ng pinal na desisyon sa kaso dahil nais na rin nilang maka-move on sa isyu.
Ginawa ni Carpio ang pahayag sa panayam sa kaniya nang dumalo siya at iba pang mga mahistrado ng Korte Suprema sa aktibidad para sa ika 117 anibersaryo ng Mataas na Hukuman.
Ayon kay Carpio, anumang maging pinal na pasya ng mayorya ng Korte Suprema lahat ay kinakailangang tumalima.
Aminado si Carpio na kabilang siya sa minority noong dinesisyunan ang quo warranto petition laban kay Sereno pero kailangang sumunod sa rule of the majority.
Kasabay nito tiniyak ni Carpio sa publiko na normal ang sitwasyon sa Mataas na Hukuman. Aniya patuloy ang kanilang pagdedesisyon sa mga nakabinbing kaso at pagsasagawa ng mga oral argument.