Sa harap ito ng mga ulat na may mga residente na sinarili na lang ang kanilang mga opinion sa takot na mapagbintangan na sympathizer ng mga terorista.
Sa isang press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Sec. Eduardo Del Rosario ng Task Force Bangon Marawi na wala silang natatanggap na ganoong balita.
Gayunman aminado si Del Rosario na hindi lahat ay nasisiyahan at ang iba ay may kritisismo sa kanilang inilatag na plano.
Pero base aniya sa mga isinagawa nilang konsultasyon, mahigit na 90 porsyento ng populasyon sa marawi ay suportado ang kanilang development plan.
MOST READ
LATEST STORIES