Napasama ang Pilipinas sa 10 mga bansa sa mundo na “worst” kung ang pag-uusapan ay ang karapatan ng mga manggagawa.
Sa ulat ng International Trade Union Confederation (ITUC) kabilang ang Pilipinas sa 10 worst countries for workers’ rights kasama ang mga bansang Algeria, Bangladesh, Cambodia, Colombia, Egypt, Guatemala, Kazakhstan, Saudi Arabia at Turkey.
Binanggit ng ITUC na sa Pilipinas ay maaring makaranas ng karahasan gaya ng intimidation at paghihiganti ang mga manggagawa.
Pinuna din ng ITUC ang anila ay “repressive laws” sa Pilipinas.
Sinabi pa sa ulat na lumala ang kondisyon at tumaas ang karahasan sa sektor ng paggawa sa Asia-Pacific.
Mahigit 30 taon nang lumilikom ng datos ang ITUC sa mga paglabag sa karapatan ng mga manggagawa sa buong mundo.