Empleyado ng DENR, patay sa pananambang sa Antipolo City

Patay matapos pagbabarilin ang isang empleyado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Ramos St., Brgy. Dela Paz, Antipolo City.

Ayon kay Supt. Chit Gaorian, spokesperson ng Region 4-A, papasok lang sana ng kanyang opisina sa Taytay Rizal si Dominador Lucas bago mag alas-10:00 ng umaga nang bigla na lamang itong tambangan ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.

Tinamaan ng bala ng baril sa mukha at katawan ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Agad naman ding tumakas ang mga suspek sa papalayong direksyon matapos ang pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa krimen.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...