P1M halaga ng marijuana bricks nahukay sa Bulacan

Radyo Inquirer File Photo

Aabot sa P1 milyon na halaga ng marijuana bricks ang nadiskubreng nakabaon sa bakuran ng isang bahay sa bayan ng Balagtas sa Bulacan.

Inaresto naman ng mga tauhan ng Bulacan police ang dalawang suspek na sina Ahmed Guevarra at Jervin Santos na may-ari ng mga nahukay na marijuana.

Ayon kay Bulacan Provincial Police Dir. Senior Superintendent Chito Bersaluna, natuklasan ang kilo-kilong dried marijuana matapos magkasa ng buy-bust operation ang mga pulis laban sa mga suspek.

Maliban sa pitong bricks ng pinatuyong marijuana, may nakuha ring mga gamit at ang perang nagsilbing buy-bust money.

Ayon sa mga otoridad, may bigat na 1 kilo ang bawat brick ng nakuhang marijuana na pinaniniwalaang galing pa ng Kalinga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...