Kevin Durant muling lalagda ng kontrata sa Golden State Warriors

Sa NBA, mananatili koponan ng Golden State Warriors si Kevin Durant.

Kinumpirma ni Durant na muli siyang lalagda ng kontrata sa Warriors.

Pinag-aaralan ni Durant na lumagda ng four-year contract sa koponan kung saan maaring umabot sa $158 million ang halaga ng kaniyang kontrata.

Isa sa mga key player ng Warriors si Durant kung saan sa nakalipas na 68 games nito ay nasa 26.4 ang average points niya.

Sa kakatapos lang na game 3 noong Huwebes, dinala ni Durant ang koponan makaraang makapagtala ng 43 points kabilang ang crucial na 3-pointer sa nalalabing 49.8 seconds.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...