Rehabilitasyon sa Ormoc Airport matatapos sa susunod na taon

CAAP PHOTOS

Patuloy ang pagsasaayos sa Ormoc Airport sa Leyte.

Sa update mula sa Department pf Transportation (DOTr) inayos ang tiles sa passenger terminal building (PTB). Pinaganda rin glass windows nito.

Sinementuhan din ang lugar kung saan humihinto para magbaba at magsakay ang mga eroplano.

Ayon sa DOTr, sa katapusan ng buwan inaasahang matatapos ang konstruksyon.

Habang ang pagsasaayos naman sa vertical path angle ng paliparan ay sa February 2019 pa matatapos.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...