Ala una ng madaling Araw (1 am) nang mag-landfall ang bagyong Lando sa Casiguran, Aurora.
Una nang sinabi ng pag-asa na dahil sa mabagal na galaw at radius ng bagyong Lando, Inaasahang tatagal ang malalakas na hangin at ulang dulot ng super typhoon Lando ng hanggang 24-oras.
Nang mag- landfall sa Aurora, naramdaman ang napakalas na hangin sa probinsya na dulot ng maximum sustained winds na 185 kph malapit sa gitna at pagbugso na 220 kph na nagdulot na ng mga pagtumba ng ilang mga puno.
Dahil sa napakalas na bagyo umabot na sa 2, 976 katao o 874 na pamilya na ang inilikas sa Isabela Quirino at Cagayan ayon na rin sa Office of Civil Defense 2.
Sa datos naman ng National disaster Risk Reduction and Management Council as of 9pm ay nakapagtala na sila ng 117 na pamilya o 314 na katao na pansamantalang tumutuloy sa 19 na evacuation centers sa Isabela at Aurora.
Kabilang sa mga evacuations centre sa Benito Soliven, Dinapigue, Maconacon at Palanan sa Isabela at sa Aurora sa Brgy. Hall ng Brgy. Calaocan, sa Elementary ng Brgy. Calaocan at sa Baler Municipal Hall ng Brgy. 5 ng Baler.
Apat (4) na kalsada naman at isang (1) tulay ang pansamantalang hindi madaan dahil sa pagbaha at landslides sa Region 2, 3, 4 at CAR.
Kabilang ang Claveria-Calanasan Road sa Apayao, Benguet-Nueva Vizcaya Road sa Benguet, Cordon-Aurora Bdry. Road sa Quirino, Baler-Casiguran Road sa Aurora, Catanduanes Circumferential o Bacon birdge sa Catanduanes.
Umabot naman na sa 5, 234 na pasehero ang stranded, 58 vessels, 45 motorized bancas at 452 rolling cargoes dahil na rin sa maalon na karagatan dulot ng bagyong Lando.
Nasa 25 flights o 24 domestics flights at isang international flight ang kinansela na may biyaheng Guam – Manila dulot ng masamang panahon.
Bagyong Lando tumama na sa kalupaan, mga estranded sa mga pantalan umabot na sa 5, 234, habang 2, 976 katao inilikas na.
Ipinagpaliban naman ng Civil Service Commission ang nakatakda nilang Examination scheduled sa araw ng Linggo Oct. 18 sa Regions 1, 2, NCR, at CAR at maging sa probinsya ng Tawi-tawi bilang pag-iingat na rin.