Kanina pang hapon ay nagsagawa na ng paglilikas sa ilang barangay sa lalawigan ng Isabela. Nasa dalawang libo katao na ang mga nasa evacuation centers ngayon.
Alas ocho ng gabi ay naramdaman na ang malakas na buhos ng ulan sa lalawigan ng Isabela na kabilang sa mga nasa ilalim ng Signal No. 3. Nagsagawa na rin ng preemptive evacuation sa lalawigan ng Ilocos Sur at Ilocos Norte na nasa ilalim naman ng Signal No.2.
Maagang inabisuhan ng PAGASA ang mga mangingisda sa mga coastal areas na huwag maglayag.
Nagbabala ang PAGASA na maaaring umabot sa 14 meters ang storm surge sa mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 3.
MOST READ
LATEST STORIES