Kaltas sa transfer fees sa remittance ng mga OFW iginiit ni Rep. Bertiz

Iginiit ni ACTS-OFW Partylist Rep. John Bertiz na bawasan ang transfer fees na sinisingil sa remittance ng mga OFWs.

Ayon kay Bertiz, nagbayad ng $3.1 Billion ang mga OFWs para sa transfer fees sa bangko upang makapag-remit lamang sa bansa ng $29.3 Billion ngayong taon.

Sa bawat $100 na pinapadala ng isang migrant Filipino worker, nasa $10.57 agad ang transfer fee nito kung sa bangko idadaan.

Masyado aniyang malaki ang singil na hinihingi ng mga global payment processing firms, gayundin ang mga foreign at local banks bago makapagpadala ng salapi ang mga OFWs Pilipinas.

Kung mababawasan ng kalahati ang remittance fees, makakatipid ng $1.5 Billion ang mga OFWs na maaaring magamit sa ibang pangangailangan o dagdag sa perang padala para sa pamilya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...