Binalaaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga tsuper ng pampublikong sasakyan na nag o-overcharge ng pamasahe.
Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, nakatanggap sila ng reklamo na mayroong mga jeepney driver na naniningil ng sobra.
Paliwanag nito, maliban sa multa maaring masuspinde o makansela ang prangkisa ng mga nag overcharging.
Sinabi ni Lizada na base kanilang natanggap na reklamo ilan sa mga nag oovercharge ay ang byaheng Fairview-Cubao pero sa kanyang pagsakay sa nasabing byahe ay wala naman silang naranasan.
Gayunman, sinabi nito na magtutuloy tuloy ang kanilang gagawing inspeksyon upang matiyak na nasusunod ang tamang taripa.
READ NEXT
Patuloy na pagtaas ng kaso ng suicide sa US ikinabahala ng Centers for Disease Control and Prevention
MOST READ
LATEST STORIES