May kaltas na 13 centavos kada kilowatt hour (kWh) ang singil sa kuryente bunsod ng pagbaba sa presyo ng generation at transmission charges.
Katumbas ito ng bawas na P25 sa bill ng mga kumokonsumo ng 200 kWh, P38 naman sa mga kumokonsumo ng 300 kWh, P50 naman ang mababawas kung 400 kWh ang nakokonsumo, at P63 naman kung 500 kWh.
Ito na ang ikalawang sunod na buwan na may bawas sa singil ang Meralco.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, malaki pa sana ang ibababa ng singil kung hindi dahil sa feed-in tariff allowance (FIT-All) na P0.70.
Samantala sa buwan naman ng Hulyo ay posibleng magkaroon ng dagdag-singil sa kuryente sa Hulyo dahil sa epekto ng sunod-sunod na yellow alert nitong mga nakaraang linggo.